nilakad ko ang mahabang daan papuntang kanlungan.
walang laman ang daan, walang hadlang.
ngunit hindi ang aking kaisipan.
ito ay nag-uumapaw ng kung anu-anong mga diwa.
diwang hindi na dapat binalikan,
diwang pilit kinakalimutan subalit sila'y mapilit.
tinakbo ko ang daan na walang hadlang
sa paniniwalang ito'y mas makabubuti.
ngunit may mga taong nilagpasan na nag-aabang.
hindi na sila napansin, hindi na pinansin.
halos walang aninong nasilayan.
ginapang ko ang daan na walang laman.
pagod pero pursigidong makarating.
sa dami ng dala ay nahihirapang makausad.
ngunit itutuloy ang naumpisahan, paroroonan ma'y 'di na lam.
kanlungan ma'y 'di matanaw, kanlungan hindi mabatid.
kanlungan ma'y hinahabol, kanlungan na hinahanap nang pilit.
kanlungan na sa isang pikit ay tiyak masisilip.
hindi na kailangan pang lumakad, hindi na kailangan pang tumakbo
ngunit kailangan ipagpatuloy ang paglalakbay.
inaasam-asam na kanlungan nagtatago sa karimlan.